-- Advertisements --
image 88

Nasa kabuuang 137 komunista at miyembro ng lokal na teroristang grupo ang na-neutralize ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga ikinasang military operations sa iba’t ibang lugar sa bansa mula Enero 1 hanggang Marso 31 ngayong taon.

Sa isang statement, sinabi ni AFP public affairs office chief Col. Jorry Baclor na nasa 82 regular members ang na-neutralize ng AFP kung saan 17 dito ang napatay sa combat operations, 20 ang naaresto at 45 ang kusang sumuko sa pwersa ng gobyerno.

Liban dito, nakakumpiska din ang AFP ng 210 na iba’t ibang mga kalibre ng baril sa engkwentro sa pwersa ng New People’s Army (NPA) at nakarekober ng 109 na mga armas mula sa mga sumukong kasapi ng komunistang grupo.

Nasa 51 naman ang nadiskubreng kampo ng mga NPA habang mayroong 87 anti-personnel mines (APMs) ang nakumpiska.

Sa ngayon, mula sa 22 natitirang guerilla fronts ng communist terrorist groups (CTG), tanging nasa tatlo na lamang ang aktibo, 19 ang ikinokonsiderang mahina at malapit ng mabuwag.

Sa teroristang grupo naman na Abu Sayyaf, nasa 30 miyembro nito ng namatay, 28 ang sumuko na at 2 naman ang nadakip ng mga aworidad.