Masayang idinaos kanina sa Tondo, Manila ang ika-131 na pagkakatatag ng La Liga Filipina.
Ang nasabing grupo ay binuo ng ilang bayani na umukit ng kasaysayan sa ating bansa.
Kaninaa ay nagsagawa ng wreath laying ceremony sa Bantayog ng Liga Filipina sa Ylaya Street sa Tondo, Maynila kung saan isa rin itong kilalang historical marker sa lungsod.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Gran Liga Soberana del Archipelago Filipino.
Nakilahok din sa selebrasyon ang lokal na pamahalaan ng Maynila, National Historical Commission of the Philippines, Manila Police District Station-2 at mga opisyal ng Barangay 7 ng syudad.
Dito ay binigyang pugay ang naturang samahan dahil sa sakripisyo at dedikasyon para ipaglaban ang bansa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Ang La Liga Filipina ay isang sikretong organisasyon na itinayo ni Dr. José Rizal noong ikatlo ng Hulyo, taong 1892.