-- Advertisements --

Patuloy pa ring nakakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ng mga aftershocks sa Sarangani, Davao Occidental ilang araw makalipas ang tumamang magnitude 6.8 na lindol sa lugar.

Sa datos ng NDRRMC, umabot na sa kabuuang 131 ang bilang ng mga aftershocks na kanilang naitatala sa nasabing lugar.

Bukod dito ay nakapagtala rin ang kagawaran ng 4,883 na mga nasirang kabahayan nang dahila pa rin sa nangyaring pagyanig kung saan nasa 4,243 ang paratially damaged, at 640 naman ang totally damaged.

Umabot na rin sa 296 ang bilang ng mga nasirang imprastraktura, kung saan 179 dito ang naitala sa Davao Region kung saan aabot sa Php357,000 ang damaged assets, habang nasa 117 naman ang damaged infrastructure sa SOCCSKSARGEN na katumbas ng Php272,521,456.87.

Samantala, sa ngayon nananatili pa ring suspendido ang mga klase sa 18 mga paaralan sa Davao Region at SOCCSKSARGEN, habang suspendido rin ang trabaho sa limang lugar sa Davao Region.