Ramdam na ng maraming mga residente sa estado ng Texas at Lousiana ang sungit ng panahon sa paparating na malakas na bagyo na pinangalanang Hurricane Laura.
Sa ngayon pa lamang wala ng suplay ng koryente sa mahigit 13,000 na mamamayan ng naturang dalawang estado.
Sinasabing lalawak pa ang mawawalan ng suplay ng koryente sa mga susunod na oras.
Ayon sa mga otoridad inaasahang aabot pa sa Category 5 ang naturang bagyo na mas malakas pa sa tumama noong taong 2005 na Hurricane Katrina.
Itinuturing na rin ngayon ang bagyong Laura bilang isa sa “10 greatest hurricanes” sa kasaysayan na nag-landfall sa continental America.
Namataan na rin sa mga coastal areas ang pagtaas ng storm surges na posibleng umabot pa sa 20 talampakan ang taas o aabot ng katumbas sa 2-story building.
Nagbabala pa ang mga otoridad sa mga residente ng Texas at Lousiana na ang 150 miles per hour na lakas ng hurricane (241 kph), ay maaaring magwasak ng mga bahay, buildings, hospitals, pagkawala ng suplay ng koryente at pagkasira ng mga negosyo.