Hindi bababa sa 13 na mga Vietnamese national ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration.
Ang mga ito ay nasa likod ng pagpapatakbo ng umano’y ilegal ng mga health spa at clinic sa ilang lungsod dito sa Metro Manila, partikular na sa lungsod ng Makati , Parañaque, at Pasay.
Sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na kailangan ng agarang aksyon ng gobyerno para masawata ang ganitong uri ng ilegal na gawain ng mga undocumented foreigners sa bansa.
Kaugnay nito ay hinimok ng BI ang mga local government unit, barangay, at mga kasapi ng komunidad na kaagad na iulat sa mga awtoridad ang mga ilegal alien na nananatili sa kanilang lugar.
Ito ay upang maaresto sila ay kaagad na maipadeport pabalik ng kanilang pinanggalingan .
Samantala, naghain na ang BI ng kaso laban sa 13 Vietnamese.
Ito ay may kaugnayan sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 dahil sa pagtatrabaho ng walang kaukulang permit maging karampantang visa.
Pansamantala namang nananatili ang mga naarestong dayuhan sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang pinoproseso ang kanilang deportation cases .