-- Advertisements --

Inaresto ng Bureau of Immigration Intelligence Division ang 13 Vietnamese na nagtatrabaho umano sa Pilipinas nang walang ligal na dokumento. 

Ang mga ito kasi ay nagtatrabaho sa iba’t ibang health spas at clinics sa Makati, Paranaque, at Pasay City.

Ito ay matapos ma-monitor ng BI ang isang spa na pagmamay-ari ng isang Vietnamese. Maging ito ay kulang sa mga kaukulang dokumento.

Ang ibang Vietnamese naman ay sa isang clinic na pagmamay-ari ng Pilipino nagta-trabaho.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, may mga iligal na nagtatrabaho daw sa bansa na walang kaukulang permit at visa. Ang iba naman daw ay ibang pangalan ng kumpanya ang ginagamit.