-- Advertisements --
Aabot sa 13 katao ang nasawi dahil sa pagkasunog ng isang night club sa Bangkok, Thailand.
Naganap ang sunog sa Mountain B nightspot sa Chonburi province’s Sattahip district na may layong 150 kilometers ng southeast Bangkok.
Ayon sa Sawang Rojanathammasathan Rescue Foundation, na mayroong mahigit 40 katao rin ang nasugatan sa insidente.
Inaalam din ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing insidente.
Nagpaabot namang ng pakikiramay si Prime Minister Prayut Chan-O-Cha sa mga kaanak ng mga nasawing biktima at ipinag-utos nito ang masusing imbestigasyon.