-- Advertisements --

Idineklara ng California government ang state of emergency sa 13 mga lugar dahil sa pananalasa ng snow storm.

Ayon kay California Governor Gavin Newsom, na kabilang sa naideklara ang San Bernardino County na lubhang naapektuhan ng winter storm, Los Angeles at Santa Barbara.

ilang residente rin sa San Bernardino County ang na-trap sa kanilang mga bahay kaya sila ay ni-rescue.

Nawalan din ng suplay ng kuryente ang nasa 70,000 kabahayan dahil sa nasabing snowstorm.

May ilang residente na rin ang inilikas dahil sa pag-ulan ng makakapal na yelo.