-- Advertisements --

Ibinunyag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang gobyerno ng Japan, sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), ay nagbigay ng suporta sa hindi bababa sa 13 big-ticket infrastructure projects sa bansa.

Sinabi ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na kabilang sa mga proyektong iyon ay ang pagpapalawak niya ng 23-kilometer Arterial Road (Plaridel) Bypass Project Phase 3 sa Lalawigan ng Bulacan at ang pagpapabuti at pagpapanatili ng humigit-kumulang 1,184-kilometrong arterial roads sa buong bansa.

Aniya, ang pagpapahayag ng suporta ay ginawa ni Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa sa kanyang pagbisita sa DPWH.

Present sa pagpupulong sina Economic Minister Masahiro Nakata at Second Secretary Tomohiro Matsubara ng Embahada ng Japan sa Pilipinas; Senior Representatives Kenji Kuronuma, Masanari Yanagiuchi, at Yo Ebisawa ng JICA Philippines Office; at mga opisyal mula sa DPWH.

Kinilala ni Bonoan ang gobyerno ng Japan bilang pinakamalaking donor ng Official Development Assistance (ODA) sa Pilipinas, na may mga grant, loan at technical assistance na ibinigay sa buong bansa mula noong 1966.