-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na
nakapagtala na rin sila ng unang kaso na dapat maputulan ng daliri.

Natukoy ang biktima na 13-anyos na binatilyo na nagmula sa Brgy. Betes, Aliasa, Nueva Ecija.

Sinasabing nagtamo umano ito ng sugat mula sa tinatawag na Cylinder, isang uri na iligal na firework.

Nagtungo umano ang biktima para magpagamot sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center pero inilipat ito sa DPJGMRMC Talavera Extension Hospital.

Batay sa inisyal na pagsusuri dapat putulin ang ring finger nito o 5th digit dahil sa traumatic amputation.

Sa latest tally ng Department of Health kaugnay sa Fireworks-Related Injury Surveillance 2019, nadagdagan pa ng walo ang mga sugatan kung saan umakyat na ngayon sa kabuuang 54 (as of 6AM Dec. 30) ang mga nabiktima na isinugod sa iba’t ibang mga ospital sa bansa.

Inamin sa Bombo Radyo ni DOH Secretary Francisco Duque III na medyo nababahala sila sa trend ng pagtaas ng bilang ng mga napuputukan.
Mas mataas aniya ang bilang na ito ng mga biktima sa kaparehong araw kung ikukumpara noong nakaraang taon.