-- Advertisements --

Umani ng batikos mula sa opposition bloc at sa publiko ang planong paggugol ng kaban ng taumbayan sa Japan na kabuuang $12 million o 1.7 billion yen para sa nakatakdang state funeral ng yumaong dating Japan Prime Minister Shinzo Abe.

Nakatakdang isagawa ang state funeral sa September 27 sa Nippon Bukodan Hall sa Tokyo.

Ayon kay top government spokesman Hirozaku Matsuno, inaasahang nagkakahalaga ng 800 million yen ang gugugulin para sa security at 600 million yen para sa arrangements para sa pag- welcome sa mga foreign dignitaries na inaasahang personal na tutungo sa Tokyo mula sa 190 bansa at rehiyon at 250 million yen para sa seremoniya.

Sa kabila naman ng kontrobersiya sa paggugol ng malaking halaga para sa state funeral ng dating PM, dumipensa si Prime Minister Fumio Kishida na naaangkop lamang ang pagsasagwa ng state ceremony para kay Abe dahil sa kaniyang domestis at international accomplishments na siyang longest-serving PM ng Japan.

Inihayag din ni kishida na handa suyang sagutin ang mga katanungan sa parliamnet hinggil sa naturang isyu.