-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 1,297 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala mayroon namang nai-record na 1,956 na gumaling at 305 na bagong pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.8% (23,158) ang aktibong kaso, 97.5% (2,752,173) na ang gumaling, at 1.65% (46,422) ang namatay.
Ayon sa ulat ng DoH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 16, 2021, habang mayroong apat laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa talaan, sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na laboratoryo ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.