firemen fire surigao

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa P2 milyon ang iniwang danyos ng malaking sunog na lumamon sa 85 kabahayan sa may Purok 10-A, Sug-obon, Barangay Tabon, Bislig City, Surigao del Sur kahapon ng madaling araw.

Ayon kay FO3 Arnold Ree Antonio ng Bislig City Fire Station sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, electrical short circuit sa loob ng CR sa isa sa mga bahay ang pinagmulan ng apoy na nakaapekto sa 125 mga pamilya na ngayo’y nasa evacuation center na.

Walang naitalang casualty sa sunog na nagsimula pasado alas-12:02 ng madaling araw na nakontrol dakong ala-1:50 at tuluyang naapula pasado na alas-4:30 ng madaling araw.

Umabot sa third alarm ang sunog na nirespondehan ng pitong mga fire trucks mula sa mga kalapit na bayan ng Lingig, Hinatuan, Tagbina at ang Bislig City 911.