-- Advertisements --

Patay ang nasa 22 katao matapos ang naganap na malaking sunog sa isang kainan sa northeastern China.

Naganap ang insidente pasado alas-12 ng tanghali sa Liaoyang City sa Liaoning province.

Tinawag ni Chinese President Xi Jinping ang insidente na isang nakakalungkot na insidente at dapat na magsilbing aral.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing sunog.