-- Advertisements --

123 katao kabilang ang mga bata at miyembro ng Indigenous Peoples ang nabiktima ng food poisoning sa malayong baryo ng Tandang Sora sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur. 

Sa kasalukuyan ay naka-admit na sa iba’t ibang ospital sa probinsiya ang mga biktima matapos itong makaramdam ng sintomas gaya ng stomach cramps, diarrhea, pagsusuka, at sakit sa ulo. 

Ayon sa Esperanza Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ligtas at nagre-recover na ang mga biktima kabilang ang 60 na mga bata. 

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng insidente.