-- Advertisements --

Nakatakdang selyuhan ang $120 million  na halaga ng mga kasunduan sa official trip ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa Saudi Arabia.

Batay sa isinagawang roundatable meeting sa Riyadh kasama ang Saudi Business Leaders, inihayag ng Pangulo ang mahigit 15,000 Pilipino ang makikinabang sa multi million dollar deals.

Sa pamamagitan ng training and employment opportunities sa ibat ibang larangan sa construction industry.

Hindi pa binanggit kung ano-ano ang mga seselyuhang kasunduan ng Pangulo sa Saudi Arabia.

Sa kabilang dako, pinuri ni Pang. Marcos ang Saudi Arabia dahol sa pagkakaroon ng pinaka malaking populasyon ng Filipino OFWs na aabot sa isang milyon.

Ang Saudi Arabia rin ang umanoy may pinaka malaking Filipino Professionals sa mga industriya ng engineering, architecture at healthcare.