(Update) DAVAO CITY – Nasa ligtas nang kalagayan ang mga church goers matapos na gumuho ang simbahan sa Barangay 22-C Boulevard nitong lungsod kaninang ala-1:10 ng hapon.

Nabatid na bigla na lamang umanong gumuho ang Born Again Christian Church na yari lamang sa light materials.

Kaagad namang dinala sa Southern Philippines Medical Center ang mga nagtamo ng light injuries kabilang ang ilang bata dahil sa pangyayari.

Samantala sa isang panayam, inihayag ni Sta. Ana deputy chief police Captain Arcadio de Dios, na bumigay ang walong taong gulang na chapel nang mapuno ng mga nagsisimba.