-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 12 sakay ng lumubog na bangka sa Limasawa, Southern Leyte nitong Lunes.

Ayon kay Sgt. Jerf Alvarez, galing Padre Burgos at papuntang Limasawa ang motorbanca na sinasakyan ng mga biktima nang salubungin ng malakas na alon dulot ng tropical depression Falcon na nasa Eastern seaboard ng bansa.

Pawang mga pari daw ang sakay ng naturang bangka.

Sa ngayon patuloy ang pakikipag-ugnaya ng Coast Guard sa mga lugar na posibleng pag-anuran ng mga biktima.