-- Advertisements --
Patay ang 12 pupils at dalawang guro matapos na lumubog ang kanilang sinakyang bangka sa western India.
Patungo sa isang school picnic ang mga mag-aaral sa Harni Lake sa Vadodara ng Gujarat state.
Ayon sa mga otoridad na mayroong kabuuang 27 katao ang sakay ng nasabing bangka.
Lumabas pa sa inisyal na imbestigasyon na hindi nabigyan ng tig-iisang life jackets ang mga biktima.
Sinabi naman ni Gujarat Chief Minister Bhupendra Patel na magbibigay ng tulong pinansiyal ang kanilang gobyerno sa mga kaanak ng mga biktima.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.