-- Advertisements --
ofw

Nakabalik na sa Pilipinas ang 12 Pinoy na unang lumikas mula sa bansang SUdan.

Sila ay unang lumipat sa Cairo at doon sila tinulungan ng EMbahada ng Pilipinas na nakabase sa naturang lugar, upang makabalik sa bansa.

Ang Embahada ang tumulong sa kanila upang maayos ang kanilang mga kinakailangang dokumento pauwi.

Sa ngayon, umabot na sa 830 na Pinoy ang nakauwi sa Pilipinas simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Sudan, at nagsagawa ang pamahalaan ng repatriation effort para sa mga Pinoy na naipit sa naturang bansa.

Patuloy pa ring inaabisuhan ng Pilipinas ang mga Pinoy na nasa Sudan na lumikas na upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Noong buwan ng Abril nang sumiklab ang kaguluhan sa naturang bansa.