-- Advertisements --
Patay ang 12 ka tao habang injured naman ang 80 sa nanyaring stampede ng sports fans na sinubukang makapasok sa sa Madagascar’s national stadium para sa opening ceremony ng Indian Ocean Island Games, ayon sa prime minister.
Hindi pa rin malinaw kung ano ang sanhi ng stampede, pero sa parehong insidente sa Mahamasina stadium noong 2019, hindi rin bababa sa 15 ka tao ang namatay.
Ayon pa sa Prime Minister na si Christian Ntsay, 11 sa mga sugatan ay nasa kritikal na kondisyon ngayon.
Matatandaan na ang Indian Ocean Island Games ay nilikha ng International Olympic Committee noong 1977, at kinabibilangan ng mga atleta mula Mauritius, Seychelles, Comoros, Madagascar, Mayotte, Réunion at Maldives.