ROXAS CITY – Binaha ng ang 12 palayan sa apat na barangay sa Capiz dahil sa patuloy na pagbuhos nga ulan na dala ng masamang lagay ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mrs. Judy Grace Pelaez, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi nito na kabilang sa mga palayan na lubog sa tubig-baha ay sa bayan ng Sigma, Panit-an, Cuartero at Maayon.
Samantala, nakataas ang alert status ng lahat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa lalawigan kasama na ang mga response unit, kung saan nagsagawa na ng inventory sa mga kagamitan na kakailanganin sa posibleng maging epekto ng pagpasok na ng Bagyong Tisoy sa Philippine area of responsibility (PAR)
Sinimulan na rin ng tanggapan ang pagmonitor sa mga water levels sa mga ilog sa kabayanan lalo na malakas na ulan ang dala ng paparating na bagyo.
Sa kabuuan ayon kay Pelaez, nakahanda na ang Capiz sa magiging epekto ng bagyo kahit hindi naman tatama ang direksyon nito sa lalawigan.