-- Advertisements --
image 277

Nutralisado ang nasa 12 indibidwal na pinaniniwalaang miyembro ng new people’s army sa Negros island nitong nagdaang weekend.

Ito matapos na makasagupaan nila ang mga tropa ng visayas command ng AFP sa nasabing lugar sa magkakahiwalay na engkwentro noong Mayo 20 hanggang 21.

Sa ulat, aabot sa sampung teroristang npa ang napatay sa naturang insidente, habang isa naman ang nahuli, at isa rin ang kusang sumuko sa mga otoridad.

Naganap ang pinakahuling bakbakan kahapon sa Brgy Caliling, Cauayan, Negros Occidental kung saan nasawi ang isang miyembro ng npa sa pakikipaglaban sa 15th Infantry Battalion, kung saan narekober din ang isang CAL. 45 na pistol , 2 magasin, at isang improvised explosive device.

Bago ito ay mayroon ding limang terorista ang nasawi sa sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng 62nd Infnatry Battalion at mahinang guerilla fronts ng NPA Central Negros 1 ng komiteng rehiyon Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Brgy. Quintin Remo, Negros Occidental noong Mayo 20 kung saan narekober ang pitong baril.

Sinundan pa ito ng panibagong engkwentro noong madaling araw ng Mayo 21, kung saan apat na terorista ng npa ang napatay, isa ang naaresto at isa ang sumuko, dito ay narekober din ng mga otoridad ang pitong mga armas, kasama ang ilang war materials.

Samantala, kaugnay nito ay binati naman ni Viscom Commander LT. Gen. Benedict Arevalo ang mga tropa nang dahil sa kanilang commitment na sugpuin ang npa sa visayas.

Kasabay nito ay inaasahan din aniya ang pagsuko ng iba pang mga nalalabing terorista nang dahil sa kanilang magkakasunod na pagkatalo.