-- Advertisements --

Inaprubahan na ng World Bank (WB) ang $12 billion budget upang tustusan ang pagbili at pamamahagi ng mga bakuna, pagsusuri at paggamot ng COVID-19 sa mga mauunlad na bansa.

Layunin nito upang suportahan ang vaccination ng bilyon-bilyong tao.

Sinabi ng World Bank na ang nasabing pondo ay bahagi ng isang pangkalahatang pakete ng World Bank Group (WBG) na idinisenyo upang matulungan ang mga umuunlad na bansa na labanan ang coronavirus pandemic.

Magbibigay din ito ng suporta sa pananalapi at panteknikal upang ang mga umuunlad na bansa ay maaaring maghanda para sa pag-deploy ng mga bakuna kasama ang mga international partners. (Bombo Jane Buna)