Naitala ng 12-anyos na babaeng siklista mula sa Quezon City na si Aerice Dormitorio, ang kauna-unahang gintong medalya ng 2023 Batang Pinoy.
Nanguna ito sa Under 13 cybling event kung saan tinapos nito ang karera sa loob ng 45 minuto at 48.4 seconds.
Nahigitan nito ang walang iban mga siklista na siyang nagrepresenta ng Quezon City.
Siya ang kapatid ng Mountain Bike multi-medalist na si Ariana.
Gaya ng kaniyang kapatid lumilipat na ito mula sa pagsakay ng mountain bike patungo sa pagsakay ng road bike.
Sinabi nito na masaya siya sa pagkapanalo kung saan bahagi ng kaniyang paghahanda ay ang pagdarasal at pag-meditate.
Naghahanda na rin ito sa iba’t-ibang cycling competition sa ilalim ng superbisyon ng Philcycling.
Nasa pangalawang puwesto naman ang mga pambato ng Iloilo na sina Yvaine Oasias at Ysabel Nicole Jamero.