-- Advertisements --
doh 1

Nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang 1,563 na bagong kaso ng COVID-19, ayon sa Department of Health.

Ang bagong mga kaso at nagtulak sa aktibong impeksyon sa bansa na 9,159.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health, ang kabuuang nationwide tally ay kasalukuyang nasa 4,099,088 habang ang kabuuang recoveries ay nasa 4,019,325.

Nasa 66,444 pa rin ang bilang ng mga nasawi dahil sa nakamamatay na sakit.

Sa nakalipas na 14 na araw, nanatili ang Metro Manila sa lugar na may pinakamataas na bilang ng mga bagong impeksyon na may 4,589.

Sinundan ito ng CALABARZON na may 2,263, Central Luzon na may 657, Western Visayas, na may 564, at Bicol Region na may 424.