-- Advertisements --
GAZA Strip

Nasa 115 na mga Pilipino na ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang makabalik sa bansa at naghihintay na lamang ng go signal upang mapahintulutang makaalis ng Gaza patungong Egypt.

Ito ay sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na labanan sa naturang lugar sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas.

Ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos mayroong kabuuang 134 na mga Pilipino ang kasalukuyan pa ring nasa Gaza Strip ngunit 19 sa mga ito ay nananatiling undecided sa pagbabalik muli sa ating bansa.

Samantala, una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipinangako sa kaniya ng pamahalaan ng Israel na pahihintulutan nito ang mga OFW doon na makaalis sa Gaza City.

Matatandaan din na sa ngayon ay mayroon nang dalawang batch ng mga foreign nationals ang napahintulutan nang makatawid sa Rafah border patungong Egypt sa nakalipas na dalawang araw.