-- Advertisements --

Hindi bababa sa 112 na Palestinians ang nasawi at 760 ang sugatan matapos umanong paputukan ng mga sundalo ng Israel ang mga ito habang nagkukumpulan para humingi ng tulong sa aid trucks. 

Ngunit itinanggi naman ito ng Israel military. Hindi umano sila nagpaputok sa lugar kung saan maraming tao ang nagkukumpulan. Ang ikinamatay daw ng karamihan sa mga nasawi ay dahil nasagasaan ito ng mga truck na tumatakas. 

Gayunpaman, hindi nito itinanggi na nagpaputok sila sa lugar na may kakaunting tao upang mapigilan ang truck sa pagtakas nito. 

Ayon naman sa mga nakasaksi at nakaligtas, matindi umano ang nangyaring putukan. 

Sinegundahan din ito ng isang doktor na rumesponde sa 161 na biktima at sinabing halos lahat ay may tama ng bala. 

Tinawag naman itong heinous massacre ni Palestinian Authority President Mahmoud Abbas.

Bilang tugon, magsasagawa ng pagpupulong ang United Nations Security Council para pag-usapan ang insidente.