-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11,010 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Dahil dito ang kabuuang tinamaan ng virus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,654,450.

Samantala ay mayroon namang naitalang 22,529 na gumaling at 273 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.0% (106,558) ang aktibong kaso, 94.5% (2,508,387) na ang gumaling, at 1.49% (39,505) ang namatay.

“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 7, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi ng DOH advisory.