-- Advertisements --

Patay ang 11 sundalo habang sugatan ang 14 pa matapos maka engkwentro ang nasa 40 miyembro ng Abu Sayyaf group sa Sitio Bud Lubong, Barangay Danag, Patikul, Sulu.

Ito ang kinumpirma ni Lt General Cirilito Sobejana ang Commander ng AFP Western Mindanao Command sa harap ng nararanasan National Health emergency ng bansa dulot ng COVID-19.

Sinabi nito na alas-3:00 ng hapon nitong Biyernes nang magkasagupa ang mga sundalo at Abu Sayyaf Group habang nagpapatrolya ang mga sundalo sa Sulu para protektahan ang mga residente laban sa panggugulo ng mga bandido.

Sa ngayon aniya ay tinutukoy pa nila kung may nasugatan o nasawi sa panig ng Abu Sayyaf.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation ng militar laban sa mga naka engkwentrong bandido.