-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakatapos na ng kanilang 14 na araw na incubation period ang 11 sa 16 na mga Persons Under Monitoring (PUMs) matapos malamang nagmula sila ng China sa nakalipas na dalawang linggo.

Sila rin ang mga indibidwal na kahit hindi nagmula ng China ay nakasabay naman sa kanilang biyahe ang mga indibidwal na nagpositibo ng novel Coronavirus (nCoV).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Dr. Jose Llacuna Jr., regional director ng Center for Health and Development (CHD) Caraga, karamihan sa mga PUMs ay nag-e-extend pa ng dalawang araw bago ang opisyal nilang pagtapos sa kanilang incubation period, matiyak lamang na wala silang kahit na anumang sintomas ng nakamamatay na novel Coronavirus kon nCoV.

Kaugnay sa pagtapos na ng incubation period, nilinaw ni Dr. Llacuna na kailangang isaisip ng lahat na kung makakaranas man sila ng mga sintomas ng nCOV, hindi ito dapat ikatakot sa dahilang posibleng nakaranas lang sila ng ubang uri ng flu lalo na ngayong malamig ang panahon kung kaya’t nasa flu season.