-- Advertisements --

Patay ang 11 katao matapos na lumubog ang sinakyan nilang bangka.

Pawang mga Haitian migrants ang lulan ng nasabing bangka ng ito ay lumubog malapit sa Puerto Rico.

Ayon sa US Coast Guard na hindi pa nila matiyak kung ilan ang bilang ng lulan ng nasabing bangka ng ito ay lumubog sa malapit sa Desecheo Island ng Puerto Rico.

Gumamit ang mga rescuers ng helicopter para agad na mailigtas ang ilang lulan ng nasabing bangka at dinala ang mga ito sa pagamutan sa Puerto Rico.

Karamihang mga Haitian ay lumilikas sa kanilang bansa dahil sa patuloy na nagaganap na kaguluhan.