-- Advertisements --

Umatras ang singer na si Sarah Geronimo na magtanghal sa 5th Aurora Music Festival.

Humingi na ng paumanhin ang management team ng singer dahil sa last-minute na pag-atras.

Ayon sa ahensiya na may dinaramdaman ang singer at pinayuhan siya ng kaniyang doctor na magpahinga.

Bagamat marami ang nalungkot sa hindi pagpunta ng singer nag-alala sila sa kalusugan kung saan hiniling nila ang agarang paggaling ng singer.

Ginaganap ang nasabing festival ngayong Mayo 2 sa Clark Global City, Pampanga.