-- Advertisements --

Patay ang 11 katao matapos ang naganap na malawakang pagbaha sa Rio Grande Do Sul sa Brazil.

Mahigit sa 2,000 katao ang nawalan ng tirahan matapos na lumubog sa baha ang kanilang mga kabahayan.

Ang nasabing pagbaha ay resulta ng ilang araw na walang humpay na pag-ulan sa nasabing lugar.

Sinabi ni Rio Grande Do Sul governor Eduardo Leite na aabot sa 2,400 na rescues ang kanilang ginawa sa loob ng dalawang arawa.

Tiniyak naman ng gobyerno ng Brazil ang pagbibigay ng tulong sa mga bikitma ng pagbaha.