-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nangako ang gobyerno na sasagutin ang gastusin sa pagpapalibing ng 11-buwang gulang na sanggol na namatay kasunod ng pagsasailalim sa liver transplant sa India.
Kinilala ang menor de edad na si Eren Crisologo, na tinulungan noon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go para makapagpagamot sa ibang bansa.
Nitong Linggo ng gabi nang salubungin ng pangulo at senador ang labi ng yumaong bata.
Batay sa ulat, isang buwan pa lang nang malaman ng pamilya ni Eren na may “biliary atresia” o sakit na sumisira sa atay.
Nangako naman si Go ng kahandaan sa pagtulong sa anak ng mga sundalong mangangailangan ng medikal na atensyon gaya ni Eren.