-- Advertisements --
Sinuspendi ng NBA ang 11 manlalaro ng Detroit Pistons at Orlando Magic matapos ang pagkasangkot nila sa kaguluhan.
Naganap ang insidente sa pagkatalo ng Orlando Magic kontra Detroit Pistons 121-101.
Nabigyan ng two-game suspension ang center ng Magic na si Moritz Wagner habang matapos na itulak si Pistons guard Killian Hayes.
Si Hayes naman ay nabigyan ng three-game ban ng gumanti siya kay Wagner.
Habang tig-isang laro na ban ang ipinataw kina Pistons guard Hamidou Diallo at walong manlalaro ng Magic na sina Cole Anthony, RJ Hampton, Gary Harris and Kevon Harris, forwards Admiral Schofield and Franz Wagner at centers Mo Bamba and Wendell Carter Jr.