-- Advertisements --

Nasa 11 katao na ang napaulat na nasugatan sa pagtama ng magnitude 6.4 na lindol sa probinsiya ng Abra.

Matinding apektado ang bayan ng Lagayn na siyang episentro ng tremor.

Ayon kay Abra Vice Governor Joy Bernos, karamihan sa mga residente sa nasabing bayan ay halos nagkacamping na sa labas ng kanilang bahay dahil sa takot ng mga ito na bumalik sa kanilang bahay.

Una ng iniulat na ansa anim katao ang nasugatan mula sa Lagayan, 3 mula sa San Juan habang ay tig-isa naman ang naitalang sugatan sa bayan ng San Quintin at Daguioman.

Subalit sa kabutihang palad naman ay walang napaulat na nawawala at nasawi.

Sa ngayon nasa 52 pamilya o 182 indibidwal mula sa bayan ng Tubo ang na-displaced.

Nasa anim naman na kabahayan sa Lagayan ang nasira habang may 40 iba pa sa Dilong, Tubo, San Quintin at Tineg ang bahagyang napinsala.