-- Advertisements --

Nagsampa ng kaso sa International Criminal Court (ICC) ang pamilya ng 11 mga biktima ng Hamas militants attack sa Israel noong Oktubre 7.

Nanawagan ang mga ito kay International Criminal Court Chief Prosecutor Karim Khan na imbestigahan ang ‘war crimes’ na ginawa ng mga Hamas militants.

Malinaw aniya na isang genocide ang ginawa ng mga Hamas militants na basta na lamagn pinagpapatay ang mga inosenteng sibilyan.

Ilan sa mga bikitima ay napatay sa Nova music festival.

Una rito sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi lamang matitigil ang labanan kapag hindi pa napapalaya ang mga bihag ng mga Hamas militants.

Nagbabala rin ang namumuno ng Hezbollah na si Hassan Nasralla na kapag hindi inihinto ang kaguluhan ay tiyak na kakalat ito sa ibang mga bansang kalapit ng Israel.

Magugunitang pinaigting ng Israel ang kaniyang ground attack sa Gaza para tuluyang masugpo ang mag Hamas militants.