CENTRAL MINDANAO- Naaresto ang 11 katao na nagpot session sa isang drug den sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na sina Norie Kutongan, 51 anyos, Ruben Kamdan, 55, Titing Panda, 37, Adones Kamdan, 38, Gani Sumagka, 42, Alimudin Biruar, 42, Johnson Parcol, 24, Najar Amri, 37, Ansari Kusain, 28 , Hamdi Mohammad,35, at Katingting Abang
Habang nakatakas naman ang may-ari ng drug den na si Uyag Kutongan at nahuli ang kanyang asawa na si Norie Kutongan.
Ayon kay Parang Chief of Police Lieutenant Colonel Ibrahim Jambiran na tumanggap sila ng impormasyon mula sa mga sibilyan sa isang drug den sa Brgy Litayen Bongo Island Parang Maguindanao.
Agad nagsagawa ng anti drug operation ang Parang MPS at nasakote ang mga suspek.
Nakuha sa pag iingat ng mga suspek ang malalaking pakete ng suspected shabu at drug paraphernalia.
Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa costudial facility ng Parang PNP at sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.