-- Advertisements --
Nasa 11,000 na mga sundalo mula sa Pilipinas, US at observers mula sa Australia ang inaasahang makikibahagi sa taunang Balikatan excercise.
Ito ay kasunod ng inaasahang pagbasura na ng Visiting Forces Agreement.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. General Edgard Arevalo, na ipagpapatuloy pa rin ito hanggang hindi ito ipahinto ng commander in chief.
Wala anumang pagbabago na ipapatupad hanggang magkaroon ng tinatawag na last minute changes.