Nasa 11 mga empleyado na nagtatrabaho sa United Nations Relief and Works Agency (UNRWA) ang nasawi sa airstrike sa Gaza.
Sinabi ni Jenifer Austin, ang deputy director of UNRWA Affairs Gaza, na labis itong nalulungkot dahil sa pagkasawi ng 11 mga kasamahan nila.
Kinabibilangan ito ng limang guro sa UNRWA schools , isang gynocologist, isang engineer, isang psychological counselor at tatlong support staff.
Ang ilan ay napatay sa kanilang bahay kasama ang kanilang mga pamilya.
Dahil sa aniya sa nagaganap na kaguluhan ay napilitan silang isara ang 14 na food distribution centers ganun din ang pagbawas nila ng operasyon.
May ilang mga kasamahan sila na rumeresponde sa mga kailangan ng mga tao sa shelters kung saan nagbibigay sila ng mga matress at mga lugar na matutulugan.