Umabot na sa 11.5 million ang backlog sa license plate ng mga sasakyan ayon sa Land Transportation Office (LTO).
Sa House deliberation ng proposed budget ng Department of Transportation at ng attached agencies nito, inamin ng LTO officials na nasa kabuuang 11,514,050 plaka pa ang hindi naibibigay sa mga motor vehicle owners.
Nagpaliwanag naman si Valenzuela City 2nd District Rep. Eric Martinez, nana siyang sponsor ng budget ng DOTr para sa 2023, na mula sa P6.7 billion proposed budget ng transport agency para sa production ng mga license paltes, tanging nasa P4.7 billion lamang aniya ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).
Ito ay katumbas ng 80 porsyentong solusyon sana sa backlog sa license palte.
Ipinunto pa ng mambbatas na hindi naglaan ng gobyerno ng pondo para sa produksyon ng license plate simula pa noong taong 2017.
Kayat kung sakali na maibalik aniya ang natapyas na P2.1 billion na pondo, wala ng magiging dahilan pa para hindi maibigay ng LTO ang mga license plates.
Sa interpelasyon naman kay Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado, sinabi ni Martinez, na ibinayad ng mga nagmamay-ari ng motor vehicle sa hindi nadeliver na mga plaka ay naremit na sa Bureau of Treasury.