-- Advertisements --
IMG 6b6695df3806b3e81dfcadf6e335ed9d V

Handa nang tumanggap ng mga pasyenteng positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Filinvest Tent sa Alabang, Muntinlupa City na treatment facility ng covid.

Ang pasilidad ay pormal nang ipinasakamay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Department of Health (DoH) at ito na ang ika-siyam na covid quaratine facility dito sa Metro Manila.

Mayroon itong 108 bed capacity na pamamahalaan ng Office of the Civil Defence (OCD) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Una rito, nagsagawa na rin ng inspection sa mega quarantine facility ang National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito G. Galvez Jr. kasama si Health Secretary Francisco T. Duque III, DPWH Undersecretary at Head ng Task Force for Augmentation of Health Facilities Emil K. Sadain, Office of the Civil Defense (OCD) Administrator Ricardo B. Jalad at BFP Chief Jose S. Embang Jr.

Kabilang naman sa walong mega quarantine facility ang Philippine International Convention Center-(PICC) forum, World Trade Center, Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum, Asean convention center sa Clark, Pampanga, National government Administrative center sa New Clark City sa Capas, Tarlac, Philippine Sports Complex (Ultra) sa Pasig City at ang tatlong malalaking tent sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.