-- Advertisements --

Umakyat na sa mahigit 579 na katao ang kumpirmadong nasawi sa mapaminsalang flash flood sa Northern Nepal noong Miyerkules, Agosto 26, 2026. Patuloy naman ang search and rescue operations ng Nepal Government para sa mga nawawala.

Ayon sa Nepal National Disaster Risk Reductionn and Management Authority nasa 1,924 katao ang nawawala, kabilang ang 575 foreign nationals umabot naman sa 15,000 security personnel ang idineploy para sa patuloy na operasyon.

Kabilang sa mga nawawala ang isang Pilipino na kinilalasi Juan Carlos Manalo, na nakalista sa official log ng Nepal Department of Tourism bilang bahagi ng isang “trekkers society.”

Samantala, humihingi ng tulong at impormasyon ang kanyang kapatid na si Chaira Manalo upang matukoy ang kinaroroonan ni Juan Carlos.