-- Advertisements --

Papalo sa 1,038 ang panibagong COVID-19 cases sa Pilipinas, dahilan para umakyat ang total caseload sa 3,661,049.

Ang active infections na mayroon sa ngayon ang bansa ay 52,961, kung saan 556 ang asymptomatic; 47,910 ang mild; 1,417 ang severe; at 298 naman ang nasa kritikal ang kondisyon.

Umakyat ang total recoveries sa 3,551,867 matapos na 1,999 pang mga pasyente ang gumaling sa sakit.

Ang death toll naman ay pumalo sa 56,401 kasunod nang 51 na new fatalities.