-- Advertisements --
Nagsimula ng magsanay ang nasa 100 na sundalo ng Ukraine sa US.
Ayon sa US Defense Department na ang 100 na sundalo ng Ukraine ay nasa Fort Sill, Oklahoma para magsanay sa paggamit ng mga Patriot missile system.
Ang Fort Sill kasi ay ang lugar kung saan nagsasanay ang mga sundalo ng US paggamit ng Patriot missiles.
Magtatapos ng ilang buwan ang training sa long-range aerial defense system.
Magugunitang nangako ang US na magbibigay sila ng mga Patriot missile system para labanan ang Russia.