Umabot sa 100 senior citizens ang pinayagang makapagtrabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ilalim ng isang special job program ng Ang Probinsyano party-list katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE). .

Lumagda na rin kasi sa kasunduan sina Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal at Pasay City Mayor Emi Rubiano-Calixto.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello, ang inisiyatibong ito ni Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong ay makakatulong sa mga nakatatandang Pilipino na gusto pa talagang magtrabaho.

Umaasa ang kalihim na maisasakatuparan ang programa sa buong bansa.

Naunang inilunsad ng Ang Probinsyano party-list ang programang ito sa PUP, na sinundan sa UP-Diliman, Philippine Children’s Medical Center, NBI at Central Visayas.