-- Advertisements --

Nakapagsumite na ang lahat ng mga high ranking officials ng Philippine National Police (PNP) ng National Capital Region Police Office ng kanilang courtesy resignation.

Ang nasabing hakbang ay bilang tugon sa panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa pagsusumite ng courtesy resignation ng mga police officials o mga nasa 3rd level position bilang bahagi ng cleansing sa PNP laban sa iligal na droga.

Paglilinaw naman ni NCRPO Chief Police Major General Jonnel Estomo na hindi nangangahulugan na ang mga 76 na full pledge colonel at heneral ng NCRPO na nagsumite ng kanilang courtesy resignation ay positibo na sa sangkot sa iligal drug trade.

Nagpapakita aniya lamang sila na malinis ang kanilang konsensiya at tumatalima lamang sila sa kautusan.