-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tinatayang aabot sa 100 million na katao ang target na mabakunahan kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Mayo 1, 2021 sa Estados Unidos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Freddie Legaspi, permanent resident sa Texas, paunti-unti nang nakakabangon ang bansa sa krisis na dala ng pandemya kasabay ng vaccination rollout.

Milyong residente na umano ang nabakunahan sa loob lamang ng dalawang buwan, kabilang si Legaspi.

Sa katunayan lifted na ang mandatory na pagsusuot ng face mask at niluwagan rin ang minimum health protocols.

Subalit abiso pa rin ang patuloy na pag-iingat ng mga tao sa takot na mahawaan ng sakit.

Nangangamba rin ang mga ito para sa mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas kasunod ng pag-uumpisa na rin ng vaccination program.