-- Advertisements --

ILOILO CITY – Suspendido ang lahat ng aktibidad ng Department of Education (DepEd) Division ng Passi City dahil sa pagpositibo sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) ng isang seaman.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Stephen Palmares, sinabi nito na umalis sa Passi City ang nasabing seaman noong Huly 20 at dumating sa Maynila noong Hulyo 21 at isinailalim sa RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) test.

Ngunit noong Hulyo 25 nang nadiskubreng nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon kay Palmares, posibleng nakuha ng seaman ang virus sa paliparan o sa eroplano ngunit maaari aniya na sa Lungsod ng Passi ito na -infect.

Sa ngayon, naka-home quarantine na ang asawa ng pasyente kabilang na ang 100 co-teachers na nakasama nito sa isang seminar.